Thursday, August 12, 2010

......















Ganun ba talaga kapag nakita mo 'yong taong alam mong makapagbibigay sa'yo ng kiliti.'Yong sa bawat galaw mo s'ya yong maaalala mo na para bang sa kanya lang umiikot ang mundo mo.Minsan nga o kadalasan pa,,eh nagseselos ka pa sa mga taong nakapaligid sa kanya,,eh sa totoo lang wala ka naman talagang karapatan!

Tinamaan ako!
Tinamaan ng titig mong tumatagos sa kaloob-looban ng puso ko.Ewan ko ba ni hindi naman kita kilala pero nung oras na makita kita parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Magmula noon ang buo mong pagkatao ay inangkin ko na sa aking mga pangarap.Hanggang sa panaginip ikaw ang kasama na para bang ayaw ko ng magising.

Palagi nga akong pumapasok para lang makita ka.May tanong factor pa sa friends kung dumating ka na?pumasik kaya? At syempre hindi buo ang araw kapag di ko manlang nasilayan yang pagmumukha mo o naramdaman ang aura mo.

Pero alam mo sira ka rin eh,,bakit ba dumating ka sa buhay ko?Pati puso ko pinasok mo,hanggang utak ko nilason mo

Ayos lang 'yon ako naman talaga ang dapat sisisihin eh,,nadamay ka lang talaga sa tangang puso ko at sa ambisyosang pagmamahal ko.

Alam ko namang lilipas din ang nararamdaman kong ito pra sa'yo..,,basta ang alam ko sa mga oras na ito,,..





CRUSH KITA!

No comments:

Post a Comment