Tuesday, August 17, 2010

TAMA BA ANG NAGING DESISYON NG KAIBIGAN KO?

Isang madaling araw sa hindi inaasahang pagkakataon isang bagay ang aking nalaman tungkol sa isang kaibigan.Isang kaibigang nagbibigay sa akin ng saya at kakaibang sigla sa araw-araw kong buhay.

Sa mga oras palang 'yon masasagot ang mga katanungan sa aking isipan tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.Hindi ko naman s'ya matanong sa mga bagay na iyon dahil hindi kakayanin ng powers ko.

At sa mga pagkakataong iyon marahil dala ng aking nagising na emosyonbahagya akong nagulat at nagkaroon ng paghanga sa kaibigan konh iyon.Nagkaroon na rin naman pala s'ya ng minamahal nagkataon lang na sila'y nagkahiwalay at tuluyang naghiwalay!


At 'yon 'di na muling sumubok na umibig ang aking kaibigan.Alam n'yo kung bakit?Sa kadahilanang gusto niyang makatapos ng pag-aaral at maabot muna ang kanyang mga pangarap.Sabagay kung tutuusin tama naman ang aking kaibigan.Hindi naman natin kailangang magmadali sa mga ganoong bagay,makapaghihintay ang pag-ibig pero ang ating mga pangarap kapasg hindi mo nakuhang abutin malabo mo na itong maisakatuparan.

Ang sabi pa nga ng kaibigan ko "Siguro kung talagang oras na, kapag nakita ko na ang tunay at tamang taong magmamahal sa'kin.'yon na rin ang tamang oras  upang muli kong buksan ang daan upang magmahal."

Napaisip tuloy ako " TAMA BA ANG NAGING DESISYON NG KAIBIGAN KO?"

No comments:

Post a Comment